HOROSCOPE August 09, 2013 | Bandera

HOROSCOPE August 09, 2013

Madam Sophia - August 09, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Holiday ngayon. Maglinis ng buong kabahayan. Pagkapos ng “Operation Mawalakang Paglilinis”,  buksan ang aircon at yayain ang kasuyo sa malamig na silid. Habang patuloy na na i-in love sa kasuyo, tuloy-tuloy ding dadating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 19, 24, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Savitra-Om.” Red at lilac ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19)—Magsimula muna sa maliit na bagay at palakihin ng palakihin. Sa ganyang paraan mas madali mong maabot ang iyong pangarap na yumaman. Sa pag-ibig,  ipadama sa minamahal ang pag-ibig na malaon mo ng nililihim sa kanya. Mapalad ang 4, 16, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Umali-Om”. Orange at blue ang buenas Taurus – (April 20-May 20)—Pagkain ang magpapasigla ng kapalaran. Yayain ang kasuyo sa medyo class na restaurant.  Sa pinansiyal, sa produktong pagkain mas madali ka uunlad at yayaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra, “Krishnaya-Namahaya-Govindaya”. Violet at beige ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)—Mga kaibigan ang kailangan upang ikaw ay lumigaya at umunlad. Tandaang kapag nawalan ka ng kaibigan, may lungkot at kabiguang mararamdaman. Sa pinansyal, sa tulong din ng mga kaibigan mas malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Mapalad ang 8, 19, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)—Hindi tama na puro pagtitipid na lang kung ang kalusugan mo na ang napapabayaan. Sa pag-ibig at pang-pinansyal, magpasama sa kasuyo upang magpa-general check-up, upang maiiwasan ang biglaang karamdaman. Mapalad ang 7, 17, 22, 26, 34, at 41. Mahiwaga mong mantra:  “Babanam-Kebalam.” Green at lilac ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)—Hindi pa huli ang lahat, umpisahan ng mag saving ngayon at magtipid-tipid, upang may mangyari sa mga salaping pinaghihirapan. Sa pag-ibig, masarap kang romomansa kaya hindi ka nila makakalimiutan. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Yellow at blue ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)— Laging isara ang bigbig at iwasang magyabang. Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang muna. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sayong kagandahan, ngunit may isang naka-dilaw na magbibigay sayo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Silver at red ang buenas. Libra – (September 23-October 23)—Magkakapera ka kahit nasa bahay lang! Mangyayari basta’t lagi  magpaganda at lagi kang naka-smile.  Sa pag-ibig, kapag mabango at bagong paligo, may mararanasang mas mainit at mas masarap na romansa. Mapalad ang 6, 18, 27, 35, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Yellow at green ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)— ‘Wag sayangin ang oras sa kape-Facebook. Walang mabuting maidudulot sayo ang gawaing iyan. Pahalagahan ang bawat oras at ito ay dapat na pagkaperahan. Sa pag-ibig, wag sayangin ang bawat minutong lumipas, ipadama sa iyong kasuyo ang iyong pagmamahal. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 44 at 49.  “Aum-Mohaya-Om.” Maroon at green ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)—Muling titibok ang puso, habang nakiki-umpok sa isang political na pagtitipon. Sa pinansiyal, muling buksan ang dating kalakal na nagbigay ng malaking kita, kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 3, 18, 23, 31, 40, at 49. “Aum-Bha-Bhanam-Kebalam.”  Green at red ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi kailangang magpa-easy-easy. Gawin ang lahat ng makakaya upang yumaman! Sa pag-ibig, gawin ang lahat ng paraan, upang muling mapalapit sa iyong puso ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.”  Blue at white ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)—Panahon na upang dagdagan ang puhunan upang lalong lumaki ang kita. Sa pag-ibig, isosyo ang kasuyong Capricorn, sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 4, 13, 27, 34, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla, Namah-Mitra.” Orange at lilac ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)—Wala nang ibang panahon kundi ngayon upang magbago! Sa halip na isip ang paganahin, kumilos ka na lang ng kumilos agad. Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya itigil mo na ang pagpapatansya ng isang masayang relasyon. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dopsya-Om.” Yellow at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending