HINDI umano conclusive ang resulta ng rapid anti-body test kits para sa coronavirus disease 2019.
Sa inilabas na guidelines ng Department of Health ngayong araw, sinabi nito na ang RT-PCR test pa rin ang “gold standard” sa pagkumpirma kung positibo ang isang tao sa COVID-19.
Sa RT-PCR ang nasal o test swab ay dinadala sa Research Institute fro Tropical Medicine at iba pang subnational laboratories.
Sa Rapid antibody-based test kits, kumukuha ng blood sample at ang antibody ang tinitignan kung may antibody na nilikha ang katawan ng pasyente para labanan ang COVID-19.
“Raid antibody-based test kits cannot confirm if you have the coronavirus. It does not tell you if you are infectious to people around you,” saad ng guidelines.
Kung mayroong sintomas ang isang tao at sumailalim sa rapid test at lumabas na negatibo kailangan umanong mag-self quarantine sa loob ng 14 araw.
Kung positibo ang resulta, kailangan pa ring sumailalim ang pasyente sa RT-PCR. Kaya bukod sa self isolation ay kailangang makipag-coordinate sa health facility upang makuhanan ito ng throat at nose swab na dadalhin sa RT-PCR para sa confirmatory test.
“Because of the risk of misinterpreting the results, only physicians should use and advise patients regarding the test results of rapid antibody-based test kits. Mass testing using rapid antibody-based test kits is thus not recommended.”