MAAGANG natapos ang 10-part documentary series tungkol kay retired NBA legend Michael Jordan at sa 1990s Chicago Bulls dynasty para sa April release sa US at worldwide audiences, ayon sa anunsyo ng presenters nitong nakalipas na Martes, March 31.
Orihinal na ieere ang “The Last Dance” sa unang linggo ng Hunyo kasabay ng pagsisimula ng 2020 NBA Finals bago itinigil ang liga kasunod ng coronavirus pandemic. Sa April 19 na ito ipalalabas sa ESPN.
“April 19th can’t come fast enough. I CAN NOT WAIT!! Yessir!” sabi ni four-time NBA Most Valuable Player LeBron James sa kanyang Tweet.
Si James na pinamumunuan ang Los Angeles Lakers sa Western Conference nang mahinto ang season ay isa sa mga nagtulak na ipalabas na ang dokyu habang naka-quarantine ang United States at walang mapanood na sports events.
Limang sunod na Lunes mapanonood sa Netflix ang documentary sa labas ng United States kabilang na ang Pilipinas simula April 20.
“Michael Jordan and the ’90s Bulls weren’t just sports superstars, they were a global phenomenon,” sabi ni Director Jason Hehir. “Making ‘The Last Dance’ was an incredible opportunity to explore the extraordinary impact of one man and one team.”
Ipakikita sa produksyon ang footage ng isang NBA Entertainment film crew na pinayagan ni Jordan, coach Phil Jackson at Bulls owner Jerry Reinsdorf na sundan ang koponan sa buong 1997-98 season kung saan hinahabol nila ang ikaanim na titulo sa loob ng walong seasons.
“As society navigates this time without live sports, viewers are still looking to the sports world to escape and enjoy a collective experience,” pahayag ng ESPN.
“We’ve heard the calls from fans asking us to move up the release date for this series, and we’re happy to announce that we’ve been able to accelerate the production schedule to do just that.”