MAY bagong nirereto ngayon ang mga netizens kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
Pagkatapos ngang tuksuhin ang kontrobersyal na alkalde kina Isabelle se Leon at Gretchen Ho ay pinagtatambal naman ngayon si Vico at si San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro.
Maraming nagsabi na bagay na bagay daw ang dalawang batang mayor. Sa Twitter, may mga nag-post ng kanilang mensahe at nagsabing sana raw ay sila na lang ang magkatuluyan.
Bukod daw sa parehong artistahin ang dalawa ay kilala rin sila bilang mahusay na public servants. Siguradong magiging isa raw sila sa mga power couple sa mundo ng politika.
Comment ng isang netizen, “Ganda ni mayora, bagay sila ni Mayor Vico Sotto ng Pasig.”
Ito naman ang tweet ni @riyanportuguez, “What celebrity pair would make an ideal couple? — No idea haha. Politiko na lang. Vico Sotto x Donya Tesoro. Hahaha.”
Sey ni @aug18leogirl, “My first OTP IS DARAGON…pero dito sa pinas pwede ba pati mayors na single go for MAYOR VICO SOTTO and MAYOR DONYA TESORO pampagood vibes lang.”
Mensahe ni @ncy_ya, “Can we ship Mayor Vico Sotto of Pasig and Mayor Donya Tesoro of San Miguel, Tarlac?”
Ngunit tila hindi pa ito ang tamang panahon para kina Vico at Donya dahil sagot niya sa isang Twitter user, “I’m not related to Mayor Vico and I’ve no time for that. Hehe. Pasensya na po.”
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang 28-year-old mayor ay anak ni Vice-Mayor Benjamin Tesoro. Naging councilor at vice-mayor muna siya bago naging alkalde ng San Manuel.