PSC: Wala pang Covid-19 infections sa mga athletes, coaches

PSC Chairman William Ramirez

SINABI ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Miyerkules na wala pa silang natatanggap na ulat na mayroon ng mga national athletes na may sintomas ng coronavirus disease (COVID-19) infection magmula nang iutos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon para mapigilan ang paglaganap ng nagsabing global pandemic.

“As of this moment, we don’t have any report of COVID-19 infections among athletes and coaches,’’ sabi ni PSC Chairman William Ramirez.

Sa kasalukuyang ay wala pang ipinapasuri ang PSC sa mga national athletes o coaches subalit minomonitor umano nila ang kaligtasan at kalusugan ng mahigit isanlibong atleta mula sa halos 50 sports bago pa man isagawa ang ECQ.

“All athletes are safe and are observing strict home quarantine protocol,’’ sabi pa ni Ramirez, na idinagdag na wala pa sa mga national athletes sa kasalukuyan ang may sintomas na sanhi ng nasabing virus.

Karamihan ng mga national athletes ay nakatira sa mga dormitoryo na ipinagkaloob ng PSC sa PhilSports Complex sa Pasig City at Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Sinabihan naman sila na magsipag-uwi sa kanilang mga tirahan bago ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila-wide ECQ noong Marso 12. Mayroon na lamang 30 atleta at coaches ang nanunuluyan sa PhilSports.

Tumutulong naman ang mga national sports association (NSA) sa PSC sa pagmonitor sa mga atleta kada araw.

Nagsusumite rin ang mga NSA ng regular na ulat tungkol sa kalagayan ng mga athletes at coaches na siyang ginagamit ng PSC na basehan sa pagbibigay ng monthly allowances sa mga miyembro ng national pool.

Read more...