Mariel Padilla binanatan sa ‘Aussie steak’ post, rumesbak: Hindi ako nagi-guilty

PINATULAN ni Mariel Rodriguez ang isang basher na nang-okray sa pagpo-post niya ng litrato ng steak sa Instagram.

Hindi ito nagustuhan ng kanyang IG follower dahil wrong timing daw. Sa panahon umano ng krisis ay may tila may pagka-insensitive ang ginawa ng misis ni Mariel Rodriguez?

Sa IG post ni Mariel, makikita ang ipinagmamalaking Aussie steak ng kanyang lolo. Ipino-promote ito ng TV host kaya ibinigay pa niya ang  cellphone number para sa mga nais umorder ng karneng baka.

Isang netizen ang nagkomento ng, 

 “Ang daming naghihirap …wala [nang] makain (crying face emoji).” Na ang tinutukoy nga ay ang mga direktang naaapektuhan ng lockdown sa bansa lalo na ang mga nawalan ng trabaho.

Hindi naman pinalampas ni Mariel ang pamununa ng basher. Aniya, hindi siya affected sa pangnenega ng mga haters at lalong hindi siya nagi-guilty sa pagpo-post ng steak ng kanyang lolo.

Depensa ng asawa ni Binoe, hindi sila basta nagpapasarap lang sa buhay ngayong panahon ng krisis. May mga ginagawa rin daw silang pagtulong na hindi nila ibinabandera sa social media.

Pagsupalpal ni Mariel sa basher, “Alam mo, i do not feel guilty kahit konti you know why?

“We have done soooooo much more than what you see in social media. So if i want to post my lolo’s steak. I WILL. with no guilt whatsoever,” aniya pa.

Sinegundahan din ng TV host ang comments ng ilan niyang followers. Sabi ng isang netizen, “Paminsan minsan masarap kumain ng steak REWARD MO YUN SA SARILI LIKE NG WORK KA AT KUMITA NG KAUNTI.

“Ako kahit isang kahig isang tuka bumibili din ako nyan kahit isang piraso lng masabi mo man lang sa sarili mo hahaha natikman din kita?????

 “Kasalanan mo na yun kung di ka nakakain…magbanat ka ng BUTO para makakain ka nyan! Work ka bhe!!!”

Reaksyon naman ni Mariel, “Kailangan mag banat ng buto. Lolo ko tanda tanda araw araw nag babanat ng buto. Never tumitigil…never.”

Read more...