KARAMIHAN ay naka-home quarantine ngayon at hindi basta-basta makakalabas ng bahay dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19) pandemic.
Subalit hindi rin naman maiiwasan na kailangang lumabas ng bahay para mamili ng ating mga kailangan sa palengke o grocery.
Narito ang ilang bagay na dapat tandaan kapag lalabas ng bahay ngayong may community quarantine o lockdown.
1. Huwag kalimutan na magdala ng identification card
Importante ito lalo na kung may dala kang sasakyan dahil siguradong masisita ka sa checkpoint.
2. Huwag kalimutang magsuot ng face mask
Ito ang isa sa pinaka magandang depensa mo laban sa virus kaya huwag kakalimutan magsuot ng face mask para matakpan ang iyong bibig at ilong lalo na kung may ubo ka para hindi makahawa sa iba o mahawaan ng iba. Mas mainam din kung may face shield ka para mas protektado ang buong mukha mo.
3. Magdala ng hand sanitizer o alcohol
Mas mainam na may dala ka nito dahil hindi tayo sigurado sa mga mahahawakang bagay paglabas natin ng bahay.
4. I-disinfect ang sapatos o sandals at iba pang gamit na dala palabas pagdating natin sa bahay.
Dapat hubarin ang damit na ginamit at ilagay ito sa hiwalay na laundry bag. Huwag kalimutan na maligo pagdating ng bahay. Pati ang sapat ay huwag ipasok sa loob ng bahay.