Ice Seguerra namigay ng gulay: Para healthy din, hindi puro de-lata

PURING-PURI si Ice Seguerra ng netizens for donating fresh vegetables sa mga nangangailangan during this COVID-19 crisis.

Nag-post ang singer ng sariwang gulay sa Instagram and captioned it this way: “Hindi naman pwedeng puro de lata lang diba (We can’t just rely on canned goods all the time, right)?

“We have to make sure our kababayans are eating well para healthy! Thank you to our volunteers for facilitating this,” he added.

Maraming um-agree kay Ice dahil may masamang effect din sa kalusugan ng mga tao kung puro noodles, sardinas at iba pang canned goods ang kanilang kinakain.

Among those veggies na nakalagay sa malalaking  plastic ay labanos, patatas at beans na pwedeng isahog sa iba’t ibang klase ng ulam.

Request ng ilang followers ni Ice, sana raw pati yung ibang celebrities na namimigay ng relief goods ay i-consider ang paglalagay ng gulay o prutas sa kanilang food packs.

“Nice! God bless your good soul Ice.”

“Yes yes true my dear must eat healthy veggies.”

“Tama after this virus iba naman ang haharaping sakit ng mga tao kasi d mga healthy ang pinamimigay. Dapat veggies this is the right time to teach them how to eat healthy foods.”

“Very good, dapat ganyan ang ipamigay tulong pa natin satin kababayan, marami tayo time sa pagluluto dahil nasa bahay lang tayo.”

“That’s a good idea. Healthy n and you are also helping our agriculture. God bless you.”

“Sana all! Ice is such a good soul. And a thinking Pinoy. Kung araw araw de lata ang kinakain ng isang naka-home quarantine at tatagal ng one month, siguradong kapag nagpa-check up yan, may something na.”

Read more...