MULA bukas (Abril 1) ay bahagyang bababa ang singil sa tubig ng Manila Water.
Ayon sa advisory na inilabas ng Manila Water ang pagbaba ay resulta ng paglakas ng piso kontra dolyar o Foreign Currency Differential Adjustment.
Ang FCDA ay 1.69 porsyento ng singil sa tubig.
Ang mga kumokonsumo ng 30 cubic meters kada buwan ay mababawasan ang singil ng P5.02 kada buwan.
Sa mga kumokonsumo ng 20 cubic meters ay mababawasan ng P2.46 ang bayarin at P1.11 naman sa kumokonsumo ng 10 cubic meters.
Ang mga residential customer na kabilang sa lifeline consumers ay exempted sa pagbabayad ng FCDA. Ang lifeline rate ay P87 kada buwan.
MOST READ
LATEST STORIES