TINIYAK ng Manila Electric Company na may sapat na suplay ng kuryente sa kabuuang panahon ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine na tatagal hanggang Abril 14.
Ayon sa Meralco ipinagpaliban nito ang mga naka-schedule na maintenance activities ngayong ECQ maliban sa mga kinakailangan talagang gawin para masiguro na tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente.
“The distribution utility reassured the public that aside from these crucial maintenance activities, which affected only a small number of customers for a short period of time, there has been close to zero interruptions experienced in the franchise area as a whole.”
Ayon kay Meralco SVP & Head of Networks Engr. Ronnie Aperocho ang Meralco ay mayroong “triple-redundancy” sa kanilang Control Center upang matiyak na walang patid ang suplay ng kuryente.
“This flexibility affords us to spread deployment of personnel critical to our business operations, not only to assure their well-being, but more importantly, to ensure that power across our franchise is uninterrupted during these critical times.”