Dingdong, Rocco, ‘DOTS’ hunks may live workout tutorial para sa Team Bahay
NANINIWALA ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na mahalaga ang malusog na pangangatawan para malabanan ang COVID-19 at maiwasan ang anxiety attack.
Kaya naman kahit naka-home quarantine, tuloy pa rin ang fitness goals ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) Alpha Team na pinangungunahan nga ni Dingdong.
Sa isang video na ipinost sa official social media page ng nasabing Kapuso series, ibinandera ng DOTS Ph Alpha Team ang pagiging solid ng kanilang brotherhood kung saan mapapanood ang kanilang fitnesa goals para mas mapalakas ang katawan kontra COVID-19.
Muling nagsanib-pwersa ang Alpha Team nina Dingdong, Rocco Nacino, Lucho Ayala at Jon Lucas para ibahagi sa publiko ang sabayang workout mula sa kani-kanilang mga bahay.
“Nag-set kami ng workout video, with the DOTS cast. So saktung-sakto, tatlong PRG members na si Neil Sese, Carlo Gonzales at si Ian Ignacio. Magkasama kami ni Dingdong, ni Lucho at ni Jon,” ani Rocco.
Sabi naman ni Dingdong, layunin ng ginawa nilang Facebook at Instagram pages na makapagbigay ng pag-asa at makapagbahagi ng positivity sa mga Pinoy na nabo-bore at nade-depress na sa nangyayaring krisis sa bansa.
“Hopefully, makapag-inspire ng tao sa kabila ng mga nangyayari,” sabi ni Big Boss Dingdong.
“Sarado po ‘yung mga gyms natin at this moment, pero hindi po ibig sabihin kailangan natin ihinto ang pag-e-exercise natin at pagwo-workout natin dahil marami naman pong mga home-based workout na puwede nating gawin,” sey naman ni Lucho.
Dagdag pa ni Dingdong, “Everyday, bawat isang miyembro ng cast ay magbibigay ng kanyang reflection at realization tungkol sa mga bagay na na-realize niya dahil sa enhanced community quarantine na ito at mga bagay na pinagpapasalamatan namin.”
Kabilang sa mga ibinahaging workout ng DOTS cast na maaari ninyong gawin sa bahay habang naka-home quarantine ay ilang cardio at endurance workout tulad ng cherry pickers, burpees at squat hops.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.