Sulat mula kay Freddie ng Barangay Lanipao, Iligan City
Problema:
1. Napuna ko na mabilis na lumipas ang panahon nang tumuntong ako sa edad na 40. Dinadalaw na ako ng lungkot dahil parati akong mag-isa. Makipag-date man ako, pagkatapos nito ay mag-isa na muli ako. Ako po’y lalaki na may pusong babae at aaminin ko na marami na rin akong naging boyfriend. Walang nagtatagal na lalaki sa akin at ang pinakamatagal ay kalahating taon.
2. Pagkatapos noon ay nag-iisa na naman ako. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya akong makasumpong ng lalaki na habambuhay kong makakasama? Gusto ko nang magpakasal sa kapwa ko lalaki. Sinu-sino ang ka-compatible ko at makakasama habambuhay? October 28 ang birthday ko. Kung sakaling ako ay magkakaroon ng makakasama habambuhay kahit ako’y bading, kailan naman siya darating?
Umaasa, Freddie ng Barangay Lanipao, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
An
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang lalaking panghabambuhay mong makakasama ay isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25, na nakatakda mong makilala sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, sa isang social gathering.
Luscher Color Test:
Sa unang pagtatagpo ninyo ng lalaking makakasama mo habambuhay, ikaw ay nakasuot ng kulay na pula habang siya naman ay naka-white. Ito ang palatandaan na ang nasabi na ngang lalaki na medyo malaki ang katawan ang magiging last boyfriend mo at makakasama mo na habambuhay.
Huling payo at Paalala:
Freddie, bagaman sa ating kultura, lalo na sa Pilipinas, ay bihira lang sa mga bakla, bading o homosexual ang nagkakaroon ng panghabambuhay na ka-partner, sadya namang napakapalad mo dahil ayon sa iyong kapalaran may itinakda sa iyo ang tadhana na makakasama mo habambuhay. At tulad ng nasabi na, isang lalaking Taurus na nagtataglay ng initial na RO na nakatakda mong makilala sa buwan ng Oktubre ay ang habambuhay na mong magsasama. Bagaman wala kayong magiging supling ay magiging maligaya pa rin ang inyong relasyon sa sandaling nag-ampon kayo ng isang anak-anakang babae upang lalo pang lumigaya at maging panghabambuhay na ang nasabing unique at kakaibang samahan.