Kim Chiu tumulong na nga, inokray pa; tinawag na ‘attention seeker’ ng basher

TINAWAG na “attention seeker” o papampam (read: papansin) ng isang basher si Kim Chiu matapos ibandera ang ginawa niyang pamimigay ng relief goods sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kinuwestiyon ng netizen ang sinseridad sa pagtulong ng Kapamilya actress. Bakit daw kailangan pa niyang ipagsigawan sa publiko na gumastos at tumulong siya sa ibang tao.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kim ang isang video kung saan mapapanood ang ginawa niyang pagtulong sa 500 pamilya na naapektuhan dulot ngenhanced community quarantine sa bansa.

Ayon sa dalaga, na-inspire rin siyang maghatid ng relief goods sa mga kabarangay niya matapos mapanood ang pagtulong ng mga kapwa niya artista. Ito rin daw ang naisip niyang paraan para i-share ang kanyang blessings.

Makikita rin sa video ang pag-pick up niya siya sa mga goods pati na ang pagre-repack ng mga ito hanggang sa pamimigay nito. Si Kim mismo ang nag-drive ng kanyang sasakyan lulan ang ni-repack na relief goods patungo sa mga lugar na tutulungan niya.

“Day 16 quarantine, Day 14 na ng karamihan.

“Nag decide kami dito sa bahay na tumulong kahit papano sa mga kalapit barangay na malapit sa village namin since hindi pwedeng lumayo dahil naka lockdown.

“Natuwa kami na nakabuo kami para sa 500 families,” caption ng aktres sa kanyang IG video.

Dagdag pa niya, “Ginawa ko to dahil na inspire ako sa ginawa ng kaibigan ko @guitauc gumawa din sila ng ganito para sa mga pamilya na malapit sa kanila na naapektohan ng community quarantine.

“Sana may mainspire din ako and gumawa din ng ganito, we can only do so much para sa mga kapamilya natin, kahit konte kahit paano gumaan man lang ang problema nila sa araw araw. Magtulungan tayo! Kakayanin natin to! (praying hands emoji).”

Isang hater ang bumasag sa pagtulong ni Kim na nagsabing, “Why need to post, WORK IN SILENCE AND LET THE SUCCESS MAKE THE NOISE. #ATTENTIONSEEKER.”

Mahinahon naman itong sinagot ni Kim ng, “Posting this to inspire others to also help. I guess di niyo po nakuha yung point ko.

“Instead you grow hate inside you. Bawasan nyo po yan. Masama yan sa panahon ngayon.

“All we need is LOVE and humanity. Spread love not hate. May God bless you. (heart emoji).”

Read more...