Duterte sa mga mangungurakot: I will detain you and release you pagkatapos ng COVID

NAGBABALA kagabi si Pangulong Duterte na mananagot ang mga mga opisyal na mabubulsa ng pera na nakalaan para sa kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19).

“Pero kung mamulitika ka tapos mabalitaan ko na ‘yan ang nagawa mo, I will suspend you ora mismo. And for those who are really absconding the money, I will detain you, I said; and maybe I will release you pagkatapos ng COVID,” sabi ni Duterte.

Ito’y matapos namang maging ganap ng batas ang Bayanihan Heal As One kung saan maglalaan ang gobyerno ng P200 bilyon para sa gera kontra COVID-19.

“Pero talagang ‘pag nagkamali kayo dito, hindi ko kayo palusutin. I will see to it even tomorrow, if I discover some embezzlements, some hoarding there, at dina-divert ‘yung pagkain sa mga tao na dapat hindi sa kanila, you better think,” dagdag pa ni Duterte.

Tiniyak niya ang ayuda para mga apektado ng lockdown, partikular ang pamamahagi ng food packs at ang dalawang buwang ayuda para sa mga empleyado.

“I am not a cruel man. Pero kung may report ang pulis, I will order your detention hanggang matapos itong COVID-19. Sabi ko huwag ngayon. Huwag na huwag kayong mandaya, mangurakot at taguin ‘yung mga pagkain at ‘yung iba hindi bigyan kasi… You know, people sometimes think that they own whatever they receive from government. This is not yours, neither is it mine,” babala pa ni Duterte.

Kasabay nito, tiniyak ni Duterte na may sapat na pondo ang gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng bansa sa kampanya nito kontra COVID-19.

“Huwag kayong matakot ngayon. Huwag na huwag kayong matakot kasi sabi ko may pera ako at kung meron man ang palpak-palpak diyan kaunti, ayusin namin ‘yan. Ayusin ni (Defense Secretary Delfin)Lorenzana ‘yan, the implementor, pati ni (Interior Secretary Eduardo)Año sa DILG, at itong si (Chief Implemter Carlito) Galvez ho. Puro military na ‘yan sila,” pagtiyak ni Duterte

 

Read more...