Lady Realtors naghatid na rin ng tulong para sa COVID-19 frontliners

 

STA. Lucia Lady Realtors Instagram photo

SUMAMA na rin ang siyam na manlalaro ng Sta. Lucia Lady Realtors sa Philippine Superliga (PSL) sa mga tumutulong para sa mga frontliners na lumalaban kontra coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kabilang sina Mika Reyes, Pam Lastimosa, Bang Pineda, Amy Ahomiro, Marge Tejada, Alex Bollier, Royse Tubino, Djanel Cheng at Rubie de Leon sa nag-donate ng kanilang mga jersey para isubasta sa Every Little Thing Counts Facebook page.

“Tough times like this shouldn’t make us turn each other away. It should serve as an opportunity to reach out, to give back, and to be kinder than usual,” sabi ng team sa post sa kanilang social media platforms nitong Lunes.

Ang kampanya ay sinimulan ng volleyball star na si Jia Morado katuwang si Miguel de Guzman.

Ang malilikom na halaga ay ipambibili ng mga personal protective equipment (PPE) para sa medical workforce ng bansa na nangunguna sa laban kontra COVID-19.

Ang Lady Realtors ang pinakabagong sumama sa nasabing kampanya kasunod nina dating De La Salle University Lady Spikers ace Ara Galang at ang University of Santo Tomas Tigresses na sina Eya Laure, Imee Hernandez, Maj Mangulabnan, Janna Torres at Det Pepito.

Read more...