SMC bibili ng P500M PPE, ibibigay sa frontliners

BIBILI ang San Miguel Corp. ng P500 milyong halaga ng personal protective equipment na ibibigay sa mga doktor, nurse at iba pang frontline hospital workers.

Sa isang pahayag, umapela rin si SMC president Ramon Ang sa mga local manufacturer ng PPE na paspasan ang kanilang produksyon ng mga PPE upang matugunan ang pangangailangan nito.

“We are hoping to fill the gap and continue supporting our government in whatever way we can. Our health care workers and government responders are risking their own lives to save ours but they are running out of equipment to protect themselves,” ani Ang.

Kinakalampag na rin ng SMC ang mga suppliers nito upang makahanap ng mabibiling PPE.

“We are leveraging our network of suppliers to assist government in addressing this shortage. But this may not be enough. That’s why we are also calling on local suppliers, even the small ones, to come forward. We will help purchase your products and get it out in the market where it’s most needed,” dagdag pa ni Ang.

Umapela naman si Ang sa gobyerno na pabilisin ang proseso ng approval at certification sa mga maaaring gumawa ng medical supplies sa bansa.

“We are committed to growing this fund for PPEs and continue allocating resources to purchase much-needed protective items. We also invite other businesses to join us in this initiative and work together to support our selfless health care workers on the front lines of this crisis. We are all in this together.”

Nauna rito, inayos ng Ginebra San Miguel Inc. ang mga planta nito upang makagawa ng rubbing alcohol na libreng ipinamamahagi sa mga frontline health workers.

Mahigit sa 100,000 litro ng ethyl alcohol na ang naipamigay nito.

Gumagawa na rin ang SMC ng nutribun-inspired breads na ipamimigay sa mga mahihirap.

Umabot na sa P100 milyong halaga ng pagkain ang naipamigay nito.

Read more...