335 Pinoy sa ibang bansa positive sa COVID

NASA 335 na Pilipino ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa labas ng bansa.

Batay sa Department of Foreign Affairs (DFA),  ang bilang ay mula sa 30 mga bansa na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Idinagdag ng DFA na 220 ang kasalukuyan sumasailalim sa mga gamutan.

Aabot naman sa 111 ang naka-rekober at nakalabas na ng ospital kung saan apat na ang naitalang nasawi sa COVID-19.

Idinagdag ng DFA na tinatayang 202 bansa ang apektado ng COVID.

Samantala, tinatayang 10 milyong overseas Filipino workers (OFWs) ang naninirahan at nagtatrabaho sa buong mundo.

Read more...