93 lindol naitala sa Taal

NAKAPAGTALA ng 93 volcanic earthquake sa Bulkang Taal mula Linggo hanggang Lunes ng umaga.

Ito ay mas mataas kumpara sa 18 volcanic earthquake na naitala mula Sabado hanggang Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology anim sa lindol na naitala mula Linggo ng umaga hanggang Lunes ng umaga ay mag lakas na magnitude 1.8 hanggang 3.4.

Naramdaman ang Intensity I-II sa Barangay Banyaga, Bilibinwang at Subic Ilaya, Agoncillo. Mayroon ding mahihinang pagbuga ng usok.

Nananatili ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Taal.

“DOST-PHIVOLCS reminds the public that at Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island (TVI).”

Read more...