Kapamilya ng namatay sa COVID magaling na

GUMALING na ang isang kapamilya ng empleyado ng Kamara de Representantes na nasawi sa coronavirus disease 2019.

Sa mensaheng ipinadala ni House Secretary General Jose Luis Montales sinabi nito na nag-negatibo na ang pinakahuling COVID-19 test sa kapamilya ng nasawi.

Isa sa walong miyembro ng pamilya ng nasawi ang nagpositibo sa COVID-19.

“We reported last week that 1 of the 8 members of Brandon’s family tested POSITIVE. This family member is NOT an employee of HRep and has NOT shown any symptoms,” ani Montales. “We are pleased to report that this family member has recovered and already tested NEGATIVE.”

Walang empleyado na nakasalamuha ng pamilya ng nasawi noong Marso 9 ang nagkaroon ng sintomas ng naturang sakit.

Read more...