outbrain

Kim Domingo iwas na iwas sa mga inggitera; proud sa malapad na noo

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

Kim Domingo iwas na iwas sa mga inggitera; proud sa malapad na noo

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

HATE na hate ng Kapuso sexy actress na si Kim Domingo ang mga taong inggitera at laging feeling superior sa kanyang kapwa.

Hinding-hindi papayag ang dalaga na magkaroon ng kaibigan na  mapagmataas, judgmental at inggitera.

Nagpa-Q&A sa kanyang Instagram account si Kim at may nagtanong nga kung anu-anong klaseng tao ang kinaiinisan niya.

 Ayaw na ayaw niya ang mga taong grabe ang confidence sa sarili na nauuwi na sa kasamaan ng ugali.

“Masyado mataas tingin sa sarili at inggitera. Kaya pag may tao sa paligid ko na ganito ako na mismo umiiwas.

“Naglalagay na ako ng wall. Nawawalan kasi ako ng amor sa mga ganu’ng klaseng tao,” paliwanag ni Kim.

Dagdag pa niya, “I mean it’s okay kung magkaroon ka ng confidence very good yun. Pero kapag ang confidence mo rin ay sumobra hindi naman maganda.”

Hirit naman ni Kim sa mga inggitera, “Ang hindi normal eh yung naiinggit ka tapos nagagalit ka. Eto ‘yung inggit na hindi marunong mag-antay para sa ‘yo.”

May reply din si Kim sa mga nang-ookray sa malapad niyang noo, “Proud ako sa noo ko wala akong problema sa kanya. Mabuhay ang mga malalaking noo!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending