39 huli sa paglabag sa curfew

ARESTADO ang 39 katao sa Quezon City matapos umanong lumabag sa ipinatutupad na curfew sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Siyam ang naaresto ng Batasan Police mula alas-10 kagabi  hanggang 1 ng umaga kanina.

Pinangaralan umano ang mga ito at makalipas ang limang oras ay inilipat sa pangangalaga ng kani-kanilang barangay.

Nahuli naman ng Anonas Police ang 30 katao mula alas-9 ng kagabi hanggang 3 ng umaga kanina.

Nasakote umano ang mga ito sa Brgy. Loyola Heights at Brgy. Pansol.

Read more...