FAKE news! Yan ang paglilinaw ng Kapuso actress-director na si Gina Alajar sa lumabas na balita sa isang dyaryo na itinuturing siyang Person Under Investigation (PUI) ngayon matapos umamong mahawa sa COVID-19.
Sa pamamagitan ng Facebook, nilinaw ng veteran actress ang balita at ipinost pa ang resulta ng kanyang COVID-19 test mula sa Research Institute for Tropical Medicine.
Negative sa COVID-19 ang aktres matapos sumailalim sa pagsusuri noong March 14, 2020.
Aniya, “I was told that a newspaper writeup said I am a PUI (Person Under Investigation)…very late info na po.
“Negative ang COVID test ko and wala akong pneumonia.”
Samantala, sa panayam ng GMA sinabi ni Gina na patuloy nilang sinusunod ang mga kautusan ng Department of Health habang naka-enhanced community quarantine ang bansa.
Anu-anong protective measures ang ginagawa n’yo habang naka-home quaratine? “Halos lahat ng dapat gawin, we try to do it sa bahay. Maghugas ng kamay, mag-sanitizer, magsuot ng mask, social distancing, staying home.
“Bago pumasok ng bahay, kailangan mag-sanitize muna. Even our househelps are doing it,” aniya.
How do you stay productive at home during the lockdown? “My time is divided to reading the Bible, praying, listening to praise and worship music, watching tv, watching the view from my room, colouring and sleeping.”
Paano n’yo pinaghandaan ang lockdown? “Mindset lang, ganu’n. I am going to rest, mahaba-habang pahinga.”
What’s your message to all the frontliners? “I salute them! We all know the risk on their health and well being. But, nananaig sa kanila na ang trabaho nila ay para bumuhay ng tao at yun ang laman ng puso nila, to serve. Tinataya nila ang buhay nila para maglingkod. Kaya I pray for them.”
Ano ang una mong gagawin kapag natapos na ang krisis na ito? “Fall on my knees and thank and praise and worship God!”
Samantala, nami-miss na ni Direk Gina ang mga artista pati na ang buong production ng Kapuso afternoon series na Prima Donnas. At siyempre, nagpapasalamat siya sa tagumpay ng programa at sa taas ng rating nito.
“Masaya is an understatement. I
have to admit na napakasaya ko dahil sa success ng show. Never did I imagine na ganun kalakas ang impact sa mga tao to the extent na nagagalit sila sa akin because the story is not turning out the way they want it to be,” sabi pa ng direktor ng Prima Donnas.
Kumusta naman ang mga bidang bagets sa serye na sina Jillian, Sophia, Althea at Elijah? Paano n’yo ia-asses ngayon ang kanilang acting? “Malaki ang improvement nila in terms of understanding their roles. Nu’ng nag-uumpisa kami, to the point talaga ang instructions ko sa kanila, isa-isa sila, pati tono ng pagsasalita nila, pati mga nuances, pati level ng pag-iyak.
“Pero ngayon marunong na sila. They became the character na… kaya hinahayaan ko na sila kung paano nila i-attack ang scene. When they are not sure, du’n lang sila magtatanong.”