B-day photo ni Kathryn Bernardo pasabog; nag-blazer pero walang bra

PASABOG ang birthday post ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account. 

Kathryn just turned 24 yesterday, March 26 at ginulat talaga niya ang kanyang fans and social media followers sa topless photo na ibinandera niya sa IG.

Kasabay nito, ibinahagi niya sa madlang pipol ang mga realization niya sa buhay lalo na ngayong panahon ng krisis dahil sa COVID-19. 

Seksing-seksi ang girlfriend ni Daniel Padilla sa kanyang litrato suot ang black suit coat pero walang bra kaya medyo nag-hello ang kanyang dibdib.

Caption ni Kathryn sa kanyang photo, “Officially a year old today! The past few days have made me realize how precious life is, how we should live life to the fullest and cherish the little moments. 

“Waking up every day is already a blessing in itself. So LIVE. Appreciate the people around you and do more of what makes you happy. Thank You for today!” aniya pa.

Umabot na sa kulang-kulang 1 million ang likes nito sa IG habang sandamakmak na rin ang comments nito.

Samantala, nag-post naman ang nanay ni Kathryn na si Mommy Min ng birthday photo ng anak na may mensaheng, “Happy 24th birthday quarantine.”

Isang simpleng celebration lang daw ang ginawa nila para sa kaarawan ng anak habang naka-lockdown ang buong Metro Manila.

Message pa ni Mommy Min kay Kathryn, “To my Bunsong Prinsesa, Kathryn, thanks for being you… Continue to be what you are. We’re very proud of you, anak.”

Read more...