BUKOD sa pamimigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic, naisipan din ni Judy Ann Santos na gumawa ng mga face shields para ipamigay sa frontliners.
Ayon kay Juday, sa paraang ito ay makakatulong siya kahit paano sa mga bayaning medical staff sa mga ospital na nangangalaga sa mga COVID-19 patients.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapamilya actress ang video habang ginagawa ang do-it-yourself face shields.
Aniya sa caption, “Para sa ating mga frontliners.. nag volunteer kami to make faceshields.. all our materials our provided by our friends from @faceshieldsforfrontliners, we have a deadline tom morning.. and we are more than happy to do this for them.
“Magtulungan po tayo.. I will be coming up with a video on how to make these face shields… for now, God bless us all. Lalo na ang mga nagbubuwis ng mga buhay nila para sa kaligtasan nating lahat…️️” pahayag pa ng misis ni Ryan Agoncillo.
* * *
Samantala, nanawagan naman ang “Owe My Love” star na si Lovi Poe used sa kanyang social media followers na mag-donate para sa paggawa ng hazmat suits, isa sa mga personal protective equipments (PPE) na gamit ng medical frontliners.
Sa kanyang Instagram Story, sinabi ng Kapuso actress na malaki ang maitutulong ng kahit magkano sa mga frontliners.
“1 doctor-approved suit is worth 400 php, Any donation will be a huge help. If we all work together and sum up everything.
“Imagine how many suits we can make how many frontliners we can help! Let’s show them gratitude by STAYING HOME and also by GIVING A HELPING HAND!” caption ni Lovi sa kanyang post.