HASHTAG #InggitMuch ang mga netizens kay Angelica Panganiban na nagkaroon ng chance na makachikahan ang Hollywood actor na si Jared Leto.
Sa mga hindi pa nakakakilala kay Jared, siya ang gumanap na Joker sa hit Hollywood movie na “Suicide Squad” at napanood din sa pelikulang “Blade Runner”.
Siya rin ang vocalist ng grupong Thirty Second to Mars.
Matapos um-attend sa two-week silent meditation retreat sa isamg disyerto sa Amerika, nagkaroon ng Instagram Live chat si Jared sa kanyang mga followers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito’y para kumustahin na rin ang mga kaganapan sa mga bansang matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic. Inanyayahan ng aktor ang mga IG followers niya na mag-share ng kanilang experience sa COVID-19 crisis.
At isa nga sa maswerteng nakachikahan ni Jared ay ang Hugot Queen na si Angelica Panganiban. Naikuwento ng aktres na sumailalim din siya sa self-quarantine matapos mag-shooting ng bago niyang pelikula sa Dubai.
Ang tinutukoy ng dalaga ay ang dapat sanay entry nila ni Coco Martin sa 1st Metro Manila Summer Film Festival, ang “Love or Money.”
In fairness, pinuri ni Jared ang boses ni Angelica dahil meron daw siyang “interesting accent.”
Sabi pa sa kanya ng international actor, “I’m glad to hear you’re safe and sound and at home, and I hope everything’s okay for you guys back there, I think with warm weather, it’s going to be good news for everyone in places like the Philippines.”
Kitang-kita naman sa reaksyon ni Angelica ang matinding kilig at kaligayahan nang makausap si Jared. Aniya pa, “It’s amazing to talk to you. It’s so surreal.”
Bago matapos ang kanilang pag-uusap, nagbigay pa ng mensahe ang Hollywood star sa lahat ng Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Tell everybody in the Philippines that we love them and we miss them. It’s been a long time since we played a concert there. We love the country, and we’d love to come back. We hope everybody stays at home, be good, protect yourself, and be safe,” pahayag ni Joker.