Nabanggit nga pala namin during our tsikahan with Dra. Vicki Belo ang girlfriend ni Jericho Rosales na si Kim Jones. That was days before mag-propose ng kasal si Echo kay Kim sa New Life Church sa Alabang.
We’ve mentioned to Dra. Vicki how beautiful pala itong si Kim kapag nasa TV. Palagi kasi namin siyang napapanood sa ETC/Solar TV cable channel sa favorite show namin na Project Runaway na nasa season 10 na.
From season one to 10, nasubaybayan namin ang show na ‘to, huh! Nag-branch out na nga rin ang production na ‘to ni Heidi Klum for another show titled Project Accessory na nasa season one pa lang with a different female host kung saan isa sa mga judge ang sikat na si Kenneth Cole.
Napaka-bless ni Echo to have Kim and vice versa. They both deserve each other kasi pareho silang nice person. Bagaman ‘di pa namin nami-meet personally si Kim, kita naman sa aura ng face niya at base na rin sa mga kwento sa amin ni Echo.
And now, engaged na nga sila. O, syempre nakiki-happy na rin kami. Ha-hahaha! Siguro naman tanggap na si Echo ng family ni Kim Jones, ‘no!
Kasi naman, sa mga past relationships ng aktor palagi na lang nagiging issue ang pagtanggap sa kanya ng mga magulang ng girlfriend niya, di ba?
Perfect example siyempre diyan ang nangyari sa kanila noon ni Heart Evangelista na masaya na rin naman ngayon sa piling ni Sen. Chiz Escudero.
( Photo credit to Google )