KAHIT 12 taon nang namayapa ay hindi pinalampas ng naulilang pamilya Fernandez ang March 3 para hindi gunitain ang alaala ng patriarch nitong si Rudy or pet named Daboy.
Daboy would have turned 68.
Fifty six noong mamatay si Rudy samantalang 46 naman noon ang kabiyak niyang si Lorna Tolentino.
Sa darating na December ay 59 na ang biyuda ni Daboy who remains single yet happy to this day, thanks to her two sons at isang apo na pinaghuhugutan ni Ms. LT ng inspirasyon.
Totoong iba ang merong katuwang sa buhay, pero ang pagnanais ng aktres na may makasama pa at this point in her life ay lipas na.
Bukod sa ayaw ng kanyang dalawang anak na mag-asawa siyang muli, Lorna realizes na kung ginusto niya, sana’y noon pa when she hadn’t reached 50.
But on top of that, para sa kanya’y irreplaceable ang isang Rudy Fernandez who possessed all the qualities she as a wife couldn’t ask for.
“Wala, e. Wala nang papantay doon, e. Parang Crash Landing on You kami, e. Wala rin, e. Sana, kung merong ganoong malinis, mabait, good provider. Wala, e,” Lorna said in one interview. Ang tinutukoy niyang Crash Landing On You ay ang hit Korean series na kinabaliwan din ng mga Pinoy.
Happy na raw siya kasama ang mga anak na sina Ralph at Renz at ang kanyang nag-iisang apo na si Tori. Enough reason na raw ito para maging kuntento sa buhay despite being single for so many years.