MUKHANG sumusunod sa mga yapak ni Angel Locsin ang kanyang kapwa Kapamilya actress na si Bela Padilla pagdating sa kapakanan ng ating mga mamamayan sa gitna ng mga krisis.
Ilang beses nang pinapurihan si Angel sa kanyang mga acts of charity sa tuwing sinusubok tayo ng trahedya. In fact, Angel is among the first to respond, singlehandedly at that.
Sa panahong nananalasa naman ang COVID-19, here comes Angel again na may trabaho man o wala always finds time to do her share.
Kung paligsahan ito ng pagtulong—which should not be the case—hindi nalalayo si Bela.
Pamilyar din ang aktres sa kalagayan ng street vendors, people who surely catch her attention day-in, day-out on her way to her showbiz commitments lulan ng kanyang sasakyan.
Ngayong tumitindi pa ang panganib, sa paanong paraan daw mabubuhay ang mga ito lalo’t hindi naman fixed ang kinikita nila sa araw-araw na pagtitinda sa kalye?
Thus, nag-set up si Bela ng online donation na ang halagang malilikom ay hahatiin niya sa 16 siyudad at munisipalidad (Pateros lang ang hindi pa city) sa Metro Manila.
As we write this, nakapagbigay na si Bela ng food packs sa mga street vendors katuwang ang ilang miyembro ng military. May natira pang halos P1 million sa nakolekta niyang donasyon at iniisip pa niya kung kanino ito dapat ipamahagi.
In a sense ay parang may patama si Bela ukol sa mga ponding dapat sana’y nakalaan for this and that purpose, pero hindi na-allocate nang maayos.
Well, Bela is just being realistic, magalit na ang magagalit.
Alam nating lahat na ang trabaho sa showbiz is not a thing of forever. At some point ay mag-iiba rin ng larangan ang mga artista. Sa katunayan, bago pa man sumapit ang twilight sa kanilang career ay luminya na sa iba ang karamihan sa kanila, sa negosyo man o pulitika.
Malayo pa man, may maganda nang puwesto sa gobyerno ang naghihintay for both Angel and Bela na ang puso’y alam mong para sa tao at hindi para sa sarili nilang interes.
Yan ay kung pagbibigyan nila ang panawagan ng kanilang mga tagasuporta na pumasok na rin sa public service para mas marami pa silang matulungan. Sila raw kasi ang mga karapat-dapat na iluklok sa posisyon dahil tunay ang kanilang malasakit sa tao.