Vice halatang malungkot sa Showtime Live; Anne balik-trabaho na

VICE GANDA AT ANNE CURTIS

LIVE na uling napanood ang ilang programa ng ABS-CBN noong Huwebes. Wala pa rin sa studio ang mga hosts ng show at nasa kani-kanilang bahay muna habang naka-live streaming. 

Work from home ang mga host na kasali sa mga Kapamilya programs gaya ng “Magandang Buhay” at “It’s Showtime.”

Sa kanyang Instagram ay ipinost ng “Magandang  Buhay” host na si Momshie Jolina Magdangal ang piktyur niya habang nagla-live streaming from her home. Habang nasa sa isang dulo ng lamesa ang kanyang panganay na anak na si Pele na nanonood sa ginagawa niya.

At gaya ni Momshie Jolens, nakikipagtsikahan din sa kanya habang nasa bahay sina Momshies Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Tuwang-tuwa naman siyempre ang mga momshie na kahit nasa bahay sila ay napapanood pa rin sila ng kanilang followers.

Ang maganda pa rito, hindi na sila lalayo pa sa pamilya nila ay nakapagbibigay-saya pa sila sa mga Pinoy during this difficult time.

Ganoon din ang ginawa ng “It’s Showtine” hosts na kahit magkakalayo ay nagkasama-samang muli sa TV screen.  

Maging ang bagong panganak at isa sa hosts ng programa na si Anne Curtis, na kahit nasa Australia pa at nagpapa-breastfeed sa baby nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia ay nakigulo na rin sa masayang grupo ng Kapamilya noontime show.

But what caught our attention during the live streaming ng Kapamilya noontime show ay nu’ng sinabi ni Vice Ganda tungkol sa boyfriend niyang si Ion Perez na kasamahan din nila sa show.

Inabutan daw kasi ng lockdown sa buong Luzon si Ion sa bahay nila  sa Tarlac at hindi na raw nagawang lumuwas sa Manila. Ibig sabihin, isang buwan din silang hindi magkikita ng kanyang BF.

Kaya naman pala parang sad and lonely ang mga mata ni Vice nang mapanood namin siya kahapon.

Samantala, sa isang portion ng show tinanong naman ni Vice si Anne ng, “Anne Curtis, nakagawa ka na ba ng video mo?” Sagot ng TV host-actress, “‘Di pa, natutulog yung bata,” referring to her newborn daughter Dahlia.

Nag-request naman si Amy Perez sa kanya, “Nak, namiss na namin yung bati mo sa madlang pipol, baka pwede mong batiin ng live!”

Sinulyapan muna ni Anne ang anak na si Dahlia sa kwarto nito bago bumati ng, “Oh, yes miss na miss ko na rin talaga ang madlang pipol…What’s up, my super fabulous, sexy, machong madlang pipol!”

Mapansin naman ni Vhong Navarro ang basa pang buhok ng misis ni Erwan, “Anne, ganyan ka pag dumarating sa Showtime, ha, basa buhok mo.” Na sinagot naman niya ng, “Basa buhok, bagong ligo, e! Alam kong mabubuko ako kung di ako maligo, e!”

                        

  

                              

   

Read more...