UMABOT na sa 707 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) matapos makapagtala ng 71 bagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).
Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na umakyat naman sa 45 ang mga nasawi dahil sa virus matapos na makapagtala ng pitong bagong kaso.
Idinagdag ni Duque na dalawang pasyente ang nakarekober, dahilan para umabot na sa 28 ang gumaling sa COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES