KUNG diring-diri si Angel Locsin kay Sen. Koko Pimentel at sising-sisi sa pagsuporta sa kandidatura nito noong Eleksyon 2007, galit na galit naman ang iba pang celebrities sa senador.
Nagulantang ang sambayanan nang pumutok ang balita na positive sa COVID-19 ang senador pero nagawa pa rin nitong magtungo sa Makati Medical Center para samahan ang asawang si Kathryna Yu-Pimentel na nakatakda sanang manganak.
Ayon sa MMC, nilabag umano ng senador ang infection and containment protocols ng ospital. Nakadagdag pa ito sa problema imbes na maging solusyon.,
Ilan sa matatapang na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kay Sen. Koko ay ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie, Agot Isidro at Jake Ejercito.
Hindi maipaliwanag ni Frankie ang nararamdaman para sa ginawang sablay ng senador at tila napamura na lang ito sa sobrang sama ng loob. Aniya, “No words??? just @$!$&!%!?#%!”
no words ??? just ??? ?@$!$&!%!?#% https://t.co/ceVBZC2m7G
— kakie 🇵🇸 (@kakiep83) March 25, 2020
Mensahe naman ni Agot: “At gusto ninyo kami magtiwala sa gobyerno? Ang gobyernong ito ang papatay sa atin.”
At gusto ninyo kami magtiwala sa gobyerno?
Ang gobyernong ito ang papatay sa atin.
— Agot Isidro (@agot_isidro) March 25, 2020
Your privilege discriminated other people from taking the test. You knew you were at risk!
Sumusunod kami sa patakaran. Senador ka, kayo ang gumagawa ng mga patakaran.
At magpapaawa ka ngayon?
Wag kami, Koko. Wag ngayon. https://t.co/PK5Wn00CgJ— Agot Isidro (@agot_isidro) March 25, 2020
Dagdag pa niya, “Your privilege discriminated other people from taking the test. You knew you were at risk!
“Sumusunod kami sa patakaran. Senador ka, kayo ang gumagawa ng mga patakaran. At magpapaawa ka ngayon?
Wag kami, Koko. Wag ngayon!” pikon na pikon pang sey ng singer-actress.
Agree si Jake Ejercito sa punto ni Agot, at ipinagdiinan ang “double standard” na justice system sa bansa.
“Poor is guilty until proven innocent, rich is innocent until proven guilty,” post ni Jake.
“Poor is guilty until proven innocent, rich is innocent until proven guilty.” pic.twitter.com/JVyx786oj5
— jake ejercito (@unoemilio) March 26, 2020