Lalaking nagwala, nanutok ng baril, arestado

ARESTADO ang 37-anyos na lalaki na nagwala at nanutok umano ng baril sa Quezon City Miyerkules ng gabi.

Si Locman Lalanto, ng Gana Cmpd., Brgy. Unang Sigaw, ay nahaharap sa kasong Alarm and Scandal, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Enhanced Community Quarantine.

Nagwala umano at nanutok ng baril ang suspek sa kanilang lugar alas-7:30 ng gabi.

Naaresto ng rumespondeng pulis ang mga suspek at narekober umano sa kanya ang isang kalibre .45 pistol M 1911 US ARMY na may tatlong bala.

Read more...