UMABOT na sa 22 nurse ng Makati Medical Center (MMC) ang nasa home-quarantine matapos namang makasalamuha ang mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa medical director nito.
“As of our last tally, I still have around 22 nurses in home quarantine,” sabi ni MMC medical director at interim COO Dr. Saturnino Javier sa panayam ng ABS-CBN News Channel.
Idinagdag ni Javier na pinayagan nang makapabalik sa trabaho ang ibang nurse matapos na sumailalim sa ilang araw na quarantinr.
“We initially want them to quarantine for 14 days, although there had been some guidelines already coming out (that) if you don’t develop any symptoms for example between five to seven days and your level of exposure is low to moderate, you may be cleared to go back to work but you will still be wearing a mask,” ayon pa kay Javier.
“We cannot strictly enforce the 14 days otherwise mauubusan tayo ng health personnel, ” ayon pa kay Javier.
Samantala, sinabi ni Javier na anim hanggang walong health personnel ng ospital ang nakasalamuha ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III matapos magtungo sa MMC para sa nakatakdang cesarean delivery ng kanyang misis nang makatanggap ng tawag mula sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) kung saan kinumpirmang nagpositibo siya sa COVID-19.
Sa isang matapang na pahayag, kinondena ng MMC ang ginawa ni Pimentel at tinawag na “irresponsible and reckless” ang aksyon ng senador matapos malabag ang mga “infection control protocols”.
Binatikos ni Javier si Pimentel dahil sa karagdagang problemang idinulot sa harap ng nararanasang kakulangan sa healthcare sector sa harap ng lumalalang COVID-19 pandemic.
“There could be more because we now have to determine the second layer of staff who came into contact with those people so these are all going to take some time to fully determine the contacts who have been exposed and who needs to be traced,” ayon pa kay Javier.