NANAWAGAN ang official Facebook page ni Mocha Uson na Mocha Uson Blog na magresign na lamang si Senator Koko Pimentel dahil sa pag-breach niya ng home quarantine protocol bilang isang person under investigation para sa sakit na COVID-19 at pagsama sa asawa sa Makati Medical Center.
Sa post, ishinare ng Mocha Uson Blog ang post ng MindaVote na pinagreresign ang senador.
“Koko Pimentel, do the right thing – RESIGN NOW! You do not deserve to be a Senator. You put the lives of our doctors and nurses in danger because of your stupidity. #KokoResign”
Sa post sa page, nakalagay na “posted by Admin MV” ang may hastag pang #KokoResign
Mismong Makati Medical Center ay tinawag na “irresponsible” ang ginawang ito ng senador.
MOST READ
LATEST STORIES