NAGPOSITIBO si Prince Charles, ang panganay na anak ni Queen Elizabeth II at ang susunod na hari ng Great Britain sa bagong coronavirus, ayon sa kanyang tanggapan.
Nagpakita ang 71-anyos ng mild symptoms ng COVID-19 ngunit “otherwise remains in good health and has been working from home throughout the last few days as usual,” sabi ng Clarence House, ang official royal residence ng prinsipe, sa isang pahayag.
Kasalukuyang naka-isolate na ang Prince of Wales at inaalam pa kung paano siya nahawa ng sakit. – Dennis Christian Hilanga
MOST READ
LATEST STORIES