PAPAYAGAN makabiyahe ang mga payroll managers ng mga kumpanya simula March 26 hanggang 27 para isaayos ang sahod ng kanilang mga empleyado hanggang sa April 15 cut off.
Iyan ang inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa press briefing ng Inter-Agency Task Force, Miyerkules.
Aniya, ito ay para sa mga kumpanyang hindi pwedeng isaayos ng payroll online.
Sa enhanced community quarantine na buong Luzon, limitado lamang sa mga essential personnel tulad ng mga nurses at doctor ang maaaring makabiyahe.
MOST READ
LATEST STORIES