Elmo Magalona 1 year nang may karelasyong non-showbiz girl: Happy Anniv!!!

ISANG taon na palang may karelasyong non-showbiz girl ang Kapamilya actor na si Elmo Magalona. 

Habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa bansa at naka-stay at home at halos lahat ng Pinoy na naninirahan sa Luzon, ibinandera naman ni Elmo ang tunay na estado ng kanyang lovelife.

For the first time, inamin ng aktor sa madlang pipol na meron na siyang girlfriend, na tinawag lang niya sa pangalang Ry. Kahapon, nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary.

Ibinahagi ni Elmo sa Instagram ang ilang sweet photos nila ni Ry, kabilang na ang photo collage kung saan makikita ang binata na nakayakap at hinahalikan ang girlfriend. 

Meron din silang holding hands photo na parehong abot-langit ang ngiti na tila ipinagsisigawan sa buong universe kung gaano sila kaligaya sa piling ng isa’t isa.

Bukod dito, ipinost din ng aktor ang video kung saan mapapanood ang kanyang dyowa habang nakatingin sa cellphone.

Caption ni Elmo sa kanyang IG post, “Happy anniversary. thank you for being my rock & for being u ALWAYS.

“To more memories together [heart emoji] these are some of our milestones!!

“Sorry Ry for posting the last video [peace and smile emojis] ILYSM!!!!!!”

Sa huling panayan namin kay Elmo sa presscon ng Kapamilya series na A Soldier’s Heart, sinabi niyang masaya ang kanyang personal life pero tumanggi siyang magdetalye about his lovelife.

Si Janella Salvador ang huling naging GF ni Elmo at hindi naging maganda ang kanilang break up. Naging kontrobersyal pa nga ang kanilang hiwalayan dahil sa mga ibinanderang kuwento ni Janella tungkol kay Elmo.

Naging dyowa rin noon ni Elmo ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Read more...