Kaso ng COVID-19 sa PH umabot na sa 552; death toll umakyat na sa 35

UMABOT na sa 552 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus (COVID-19) matapos makapagtala ng 51 panibagong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 35 ang mga nasawi dulot ng deadly virus matapos namang dalawa pang pasyente ang binawian ng buhay ngayong hapon.

Samantala, aabot naman sa 20 ang gumaling mula sa COVID-19.

Martes ng umaga nasa 501 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19, 33 ang mga nasawi at 19 ang nakarekober.

Read more...