NAG-REACT si Ogie Diaz sa post ng Bantay Nakaw Coalition Facebook page which asked “Bagong FB page ni Mocha irereport ba?”
Mahaba ang aria ng nasabing coalition patungkol kay Mocha.
“A WARNING TO ALL DDS PAGES: THE POWER IS BACK TO THE REAL PEOPLE!
“Naipakita kagabi ang pagkakaisa ng mga TOTOONG TAO laban sa mga nagpapakalat ng FAKE NEWS. Sa isang bigwas, nawala ang Mocha Uson Blog.
“Gumawa ulit ng bagong page si Mocha: https://www.facebook.com/margauxmochausonph/.
“Buong araw, nakakatanggap tayo ng libo-libong mensahe. Isa lang ang gusto ng lahat. Muling ipa-mass report ang bagong Facebook Page ni Mocha Uson. At gets na gets namin kayo kung bakit.
“Nang sinuri namin ang nasabing page, ginawa ito noong 2018 pa. Konti pa lang ang followers. Binura na din ang mga old posts.
“In short, wala pang FAKE NEWS and other MISLEADING INFO na nakapost sa bagong page ni Mocha.
“Nasa atin ang kapangyarihan ngayon. Ngunit sisiguraduhin natin na magagamit ito sa TAMA. Hindi tayo tutulad sa kanila.
“Hahayaan natin si Mocha sa bago nyang page kung ang nais nya lamang ay ‘magshare ng good news para sa mga kababayan nating OFW’. Susuportahan pa natin kung talagang good news ang nais nyang ipalaganap.
“NGUNIT…Oras na magpost, share and/or comment sya ng kahit anong FAKE NEWS at MANGHARASS NG TAO tulad ng dati nyang gawain, magkakaroon na naman tayo ng 8PM #MochaUsonIsOverParty.
“Maging leksyon na din ito sa IBANG FB PAGES & Accounts na mahilig magpakalat ng FAKE NEWS.
“TAMA NA ANG FAKE NEWS! Oras na magpakalat kayo ng LAGIM kahit sa mga comment sections nyo lang, maiischedule kayo ng 8PM.
“Simula ngayon, kada magppost kayo, lagi nyong isipin, NAGBABANTAY ANG SAMBAYANAN!”
Nag-react dito si Ogie Diaz who said, “Let’s give her another chance. Sana, maaayos na ang posts. Samahan natin ng dasal yan.”
Pero agad-agad na kumambiyo si Ogie and said, “Update: Dahil karamihan ng comments ay ‘wag na raw bigyan ng chance kasi ilambeses nang binigyan ng chance,’ sige, go! Wag na. Ang dali kong kausap, di ba?”