Tanong ni Bela Padilla: Kanino dapat ibigay ang natirang P1M donasyon?

BELA PADILLA

MAY natira pang more than P1 million sa donation na nakuha ni Bela Padilla mula sa taumbayan.

With that, she asked her followers kung kanino niya dapat ipamahagi iyon dahil naibigay na niya ang P2 million worth of food.

“Heads up!! We still have leftover funds! Do you want me to use it on food again or should we order masks for the frontliners??? Let me know below!”

Marami ang sumagot sa kanya sa Twitter.

“Masks, PPEs for frontliners please! You may also want to check 3D Printing for a Cause PH on facebook. They need help in printing face masks for our frontliners.”

“PPE for the frontliners. Especially at the Lung Center of the Philippines. They are running out of gowns. It will last until today, based on the institution’s statement.”

“PROTECTIVE GEAR FOR HEALTH WORKERS. PAANO NA LANG TAYO KUNG PATI SILA MAHAHAWA NG SAKIT DAHIL KARAMIHAN DAW NG HOSPITAL STAFF MGA IMPROVISE ANG GAMIT.”

“Please send some to the province (Visayas/Mindanao). Wala pong nakakarating na donations dito kasi ang focus is Luzon/NCR, which is understandable. Pero sana po maambunan din ang VisMin. Thank you so much for your service!!!”

“Pwede pong both? The poor and the frontliners are the hardest hit by this crisis. Thank you for lending your voice and being their advocate. God bless you!”

Samantala, ni-repost naman ng singer na si Ice Seguerra sa kanyang Instagram account ang mga litrato ni Bela habang namimigay ng relief good kasama ang ilang members ng PNP at AFP. Nag-thank you rin siya sa mga direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas for volunteering in the distribution of grocery items sa Gawad Kalinga Persons With Disabilities Village (PWD Village) sa Project 4, Quezon City.

“Nakapagikot na ang #VolunteerCorpsPh para makapagbigay ng groceries sa mga pamilya sa GK PWD Village Proj 4. Ito pa ay ang komunidad ng ating mga kapatid na bulag at ngayo’y walang trabaho dahil sa Covid-19. Salamat Bela Padilla for helping us out,” caption ni Ice sa kanyang IG post.

Bukod dito, nagpasalamat din ang Army official na si Lt. Gen. Gilbert Gapay sa effort ni Bela na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan, “The Philippine Army appreciates the initiative of Bela Padilla in reaching out to the persons who need assistance while Luzon is under ECQ. We are grateful that she enjoined the Philippine Army in serving these people. In this time of crisis, we really need to work together regardless of our professions in order to serve our kababayans.”

Read more...