Senior citizen, menor, 3 pa huli sa droga

ARESTADO ang lima katao, kabilang ang isang senior citizen na babae at isang menor de edad na lalaki, sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Naaresto sa buybust operation si Elsie Barba, 62, kasama si Richard Cosme, 38, ng Masambong Police alas-10:15 ng gabi sa CMLI Compound, Brgy. Bagong Pag-asa.

Nakumpiska umano sa kanila ang apat na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200.

Naaresto naman sina Jayson Bon, 29, Gian Carlo Acedilio, 18, at isang 16-anyos na lalaki.

Nakita ng mga nagpapatrolyang pulis ang mga suspek sa isang tricycle alas-11:15 ng gabi sa Ermin Garcia st. kanto ng Edsa North Bound, Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Nang ipalabas ang laman ng kanilang bulsa ay nakita umano ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P11,500.

Read more...