PINALAWIG ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang suspensyon ng mga team scrimmages at iba pang aktibidades ng mga koponan nito hanggat hindi pa nagiging maayos at ligtas ang sitwasyon sa bansa.
“In light of the country’s current situation, the Office of the Commissioner is extending all its member teams’ two-week break from practices, scrimmages and other related activities which was supposed to end March 27, until further notice,” sabi ni Marcial sa isang memorandum na ipinadala sa mga koponan ng liga nitong Lunes.
Nagpataw si Marcial ng ban noong nakaraang Linggo matapos na ipagbawal ng inter-agency task force ng gobyerno ang mga mass gatherings bilang pag-iingat sa coronavirus pandemic.
“Declaration no. 929 places the whole country under state of calamity and the nation’s capital under ‘enhanced quarantine’. We ask your full cooperation and compliance and encourage everyone to stay fit and healthy in the confines and safety of their homes,” ayon pa sa memorandum.
Sinuspindi ng PBA ang mga Philippine Cup games nito ngayong Season 45 noong Marso 9 bunga na rin ng coronavirus outbreak sa bansa.