Jodi, Gretchen sa mga politikong mapagsamantala: Serbisyo muna, tao muna

GRETCHEN HO

HINAMON ng ilang celebrities at netizens ang mga kinauukulan na pangalanan ang ilang politiko na umano’y nag-request na unahin silang isailalim sa COVID-19 testing.

Kumalat kasi ang balita na may ilang politician na gustong i-test sila sa kanilang tahanan sa gitna ng kakulangan ng COVID-19 test kits sa bansa.

Inalmahan ito nina Jodi Sta. Maria at at Gretchen Ho kasabay ng hamon na sana’y isapubliko ang pangalan ng mga politikong ito. Ni-repost nila ang tweet ni ABS-CBN reporter Chiara Zambrano kung saan mababasa ang isang statement mula umano sa ilang medical staff na kasalukuyang nasa frontline ng pagpuksa sa COVID-19 pandemic.

 “This message of utter frustration was shared by a medical doctor over requests of numerous politicians to be prioritized for COVID-19 testing when the backlog is already overwhelming.

“This is bogging down the COVID-19 testing. Politicians and their staff are now asking to be serviced in their homes by the DOH surveillance team.

“We have so many PUIs awaiting their results, and we can’t send (home) the PUMs who have been admitted the week before because we don’t have results yet.”

 “Perhaps, if media can investigate this ‘palakasan’ system, we might be able to alleviate the overburdened emergency rooms. As of yesterday, ERs are already full,” ang bahagi ng nasabing statement.

JODI STA. MARIA

Ayon kay Jodi, kung totoo man ito malinaw na pang-aabuso na sa kanilang kapangyarihan ang nangyayari.

Aniya pa, “Wag naman po sanang ganito.

“Sana pwedeng ma-disclose kung sinu-sino ang mga ito.”

Comment naman ng Kapamilya TV host na si Gretchen Ho, “Serbisyo muna, tao muna”. Sinang-ayunan naman ito ng madlang pipol at tinawag pang mga walang kuwentang tao ang mga nagsasamantala sa COVID-19 crisis.

Read more...