Bus nagliyab sa Edsa, nagdulot ng matinding traffic

NAGLIYAB ang bus na galing sa San Pedro, Laguna sa northbound lane ng EDSA kahapon bunsod para magbara ang pangunahing

kalye sa Metro Manila.
Ayon sa pulisya, walang iniulat na nasaktan sa insidente.  Sinabi  ni Banjo Fetizanan, ng Metropolitan Manila Development Authority Metrobase, unang napuna ang usok sa Cher bus (TYF-984) na pa-Navotas.

Naapula ang sunog alas-11:12 ng umaga.  Dahil sa rumespondeng mga bumbero, isinara ang northbound lane at pinaliko ang mga sasakyan sa  Ayala at Buendia.

PHOTO by Marriane Bermudez

Read more...