“NAPANSIN ako ni J-Lo!”
Yan ang sigaw ng isang Filipina dancer matapos makuha ang atensyon ng Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez.
Nag-viral ang dance video ni Marianne Tubil na kanyang ipinost sa Twitter habang naka-stay at home dahil sa enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
Todo hataw si Marianne sa kanyang video gamit ang remix ng “Love Don’t Cost a Thing” na siya ring sinayaw ni JLo sa halftime show ng taunang Super Bowl sa Amerika together with Shakira and other international artists.
Na-shock ang Pinay dancer nang pinusuan ni Jennifer ang kanyang video at nag-comment pa ng, “Loveeeeee!”
Siyempre, ikaw ba naman ang mapansin ni J-Lo, di ba? Siguradong mas mai-inspire ngayon si Marianne at iba pang Filipino dancers na mas pagbutihin at karirin ang pagsasayaw dahil muli nilang napatunayan na pang-world class talaga ang talent ng lahing Pinoy.
Sa lahat ng nagtatanong, si Marianne Tubil ay member ng college dance group na UPeepz na ilang beses nang nakipag-compete sa iba’t ibang dance competitions.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na napa-wow si J-Lo sa talento ng mga Pinoy sa pagsasayaw. Kung matatandaan pinusuan din niya ang video ng isang grupo from Cebu dahil sa kanilang viral #JLoTikTokChallenge.