SA hangaring mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa, tuluyan nang inurong ng Philippine SuperLiga (PSL) ang pagdaraos ng 2020 Grand Prix.
“The 2020 PSL Grand Prix will
be reset to a later date. Teams are advised to encourage local and overseas players to go home and be with their loved ones. Health and safety are top priorities,” sabi ng PSL sa kanilang official Twitter account nitong Lunes ng umaga.
“When sporting events are allowed, we will meet again to reassess,” dagdag pa nito.
Bago ito ay inanunsyo na ng PSL noong Marso 13 na ang lahat ng mga Grand Prix games na gaganapin Marso 14 hanggang Abril 12 ay ipagpapaliban bunga na rin ng pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES