Miyembro ng Mulatto Band namatay sa COVID-19 

CONFIRMED! Pumanaw ang singer at member ng pop band na Mulatto na si Joey Bautista matapos tamaan ng novel coronavirus o COVID-19.

Mismong asawa ni Joey na si Belinda Bagatsing ang nag-post sa kanyang Facebook tungkol dito. Sumakabilang-buhay ang OPM singer nitong March 19.

Ayon kay Belinda, sa pagkakaalam nila, severe pneumonia ang ikinamatay ng asawa at wala silang kaalam-alam na positibo pala ito sa COVID-19. Lumabas lang daw ang resulta ng test after his death.

“He passed away not knowing the result of his COVID-19 swab test. Today i was informed the his official test result came out, positive COVID-19.

“If any of you were around us the last 30 days, please monitor yourselves and get yourself checked,” pahayag ni Belinda.

Sumasailalim na rin daw siya sa self-quarantine na tatagal ng three weeks, “I have no symptoms and under quarantine for 21 days. Stay safe everyone.”

Sa unang pahayag ni Belinda, sinabi nitong nagtungo sa Legazpi kamakailan ang banda ni Joey pero hindi na siya nag-perform dahil masama na ang pakiramdam nito.

Sa panayam naman sa direktor at dating manager ng Mulatto na si Bert de Leon sinabi nitong, “I knew that he was a diabetic and he suffered a mild stroke sometime last year.

“Recently, I heard he was a Person Under Monitoring (PUI) for COVID-19.”

Read more...