Lasing nagwala, naselda

KALABOSO ang 18-anyos na lalaki na naglasing at nagwala sa kanilang lugar sa Quezon City Sabado ng umaga.

Si MJ Cudal, ng Bayan st., Brgy. Bungad ay inaresto alas-5 ng umaga sa Moore Villegas st., Brgy. Bungad.

May nagreklamo umano sa ginagawang pagwawala ng suspek na hinahamon ang mga taong nakikita nito.

Lumaban pa umano ang suspek  sa mga humihuli sa kanya.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Alam and Scandal, Resistance and Disobedience to a Person in Authority at Direct Assault.

Read more...