ARESTADO ang dalawang lalaki na hindi huminto sa checkpoint at sumemplang matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bakal na signage sa boundary ng San Mateo at Quezon City Sabado ng umaga.
Wala ring suot na helmet sina Bryan Villarosa, 19, at Reynoy Carabido, 23, kapwa taga-Katuparan st., Brgy. Commonwealth.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong Driving without License, Unauthorized Counter Flow, Resistance and Disobedience to person in Authority, Unjust Vexation, Malicious Mischief at violation of Motorcycle Helmet Act.
Ayon sa mga suspek sakay ang mga suspek ng Suzuki Rider 150 na walang plaka at hindi huminto sa checkpoint sa San Mateo-Batasan Rd., Brgy. Batasan Hills alas-2:20 ng umaga.
Hindi nagtagal ay bumalik umano ang mga suspek at sa kabilang lane ito dumaan. Muli ay hindi huminto sa checkpoint para sa thermal scan at upang malaman kung saan pupunta ang mga ito.
Sumalpok umano ang mga suspek sa signage kaya sila ay sumemplang at nahuli ng mga pulis.