ISA pang empleyado sa Kamara de Representantes ang namatay kaugnay ng coronavirus disease 2019.
Inanunsyo ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales ang pagkamatay ng empleyado na isang staff ng kongresista.
“We are deeply saddened to announce that a member of the Congressional staff of one of our Members passed away less than an hour ago,” saad ng mensahe. “He had no history of travel to any country with confirmed COVID-19 case, and no known exposure to a confirmed case. “
Huling pumasok ang empleyado sa Kamara noong Marso 4.
Dumalo siya sa isang garden wedding sa Almanza, Cavite noong Marso 7.
Pumunta siya sa Saint Luke’s Hospital sa Quezon City noong Marso 10 matapos na magkaroon ng lagnat. Matapos ang ilang test na normal ang resulta ay pinauwi siya.
Kinabukasan ay nagkaroon na siya ng dry cough at lagnat at noong Marso 13 ay bumalik sa ospital dahil lumala ang kanyang kalagayan.
“He was placed in an isolation room and thereafter admitted to the critical care unit and intubated,” ani Montales. “He was transferred to the ICU on March 15, was considered a Person Under Investigation, and underwent testing for COVID-19. The result has not come out until now.”
Ang nasawi ay 65 anyos at mayroong mga karamdaman.
“Our thoughts and prayers are with his loved ones during this difficult time.”